Tuesday, August 26, 2014

Ang Mga Impluwensiya Ng Media Sa Mga Kabataan

          Tunay ngang napakalaking impluwensiya ng ating kassalukuyang pamumuhay ngayon sa mga kabataan. Makikita mo na bata pa lamang ay mayroon ng cellphone o iPad. Ating alamin  kung ano ang impluwensiya ng media sa ating mga kabataan. Alamin natin kung paano ito gamitin sa kabutihan at kung paano ito makakasama sa atin.
          Malaki ang impluwensiya ng media sa ating  mga kabataan lalo na sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at pag-iisip. Kung iyong titignan, malaki ang diperensiya ng mga kabataan noon at ngayon. Katulad ng sinabi ko, ngayon, mga bata pa lamang ay mayroon o nakakahawak na ng cellphones o kahit anong elektroniko at may iba't-ibang reksiyon na sila sa mga napapanuod sa telebisyon. Ang ating kabataan ngayon ay masyadong binibigyang atensiyon ang mga social media sites na Facebook, Twitter, Google at Instagram. Itong sites na ito ay hinahayaan ang ating mga kabataan na makita kung ano ang kanilang nais na makita. Isang click lang, ayan na at nasa harapan na nila ang gusto nilang hanapin sa internet. Hinahayaan ng social media sites ang mga kabataan na makipag-usap sa kanilang mga kaibigan, guro o kamag-anak sa malalayong lugar. Ang media ay magagamit sa dalawang paraan. Masama at mabuting paraan. Magagamit ito ng ating mga kabataan sa mabuting paraan para sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa kung anong nangyayari sa kanilang kapaligiran at sa paggawa ng kanilang homeworks, assignments at projects sa kanilang mga klase sa kaniya-kaniyang paaralan. Magagamit ito sa kasamaan para manloko ng kapwa. Maraming naibabalita sa telebisyon ang mga ganitong eksena na sa pamamagitan ng media ay maraming nabibiktima sa mga panloloko.
          Dapat tayong maging maingat sa paggamit ng mga media. Sa mga magulang ng ating kabataan, gabayan ang inyong mga anak ng sa gayon ay hindi nila magamit sa kasamaan ang media. Ipaliwanag sa mga anak ang kanilang nakikita sa mga website na kanilang pinupuntahan. Alam na ninyo ang impluwensiya ng media at kung paano ito magagamit sa mabuti at masamang paraan. Disisyon na ninyo kung anong paraan ninyo ito gustong gamitin.

No comments:

Post a Comment